Martes, Hulyo 12, 2011

Napapangiti ka ba ng cellphone mo?

Paalala: Masasayang lang ang oras mo pag binasa mo ito. .


Samsung Epic 4G,Apple iPhone 4, T-Mobile MyTouch 4G, LG Optimus T, Motorola Droid X, Nokia X2-01, Nokia C3 o kahit China Phone yan. . Sigurado ako na meron kang cellphone. . Kahit gaano pa ka-luma yan, basta't gumagana at nagagamit mo pa, lagi mong dala yan. .

Napansin ko lang kasi, minsan nakasakay ako ng  jeep papasok sa trabaho, may nakita akong isang babae na nag lalakad. . (malamang papasok din yun sa trabaho nya) Naka ngiti sya. . Parang napaka ganda ng umaga nya, masaya syang naglalakad habang tutok na tutok sya sa pag te-text gamit yung cellphone nya. . Naisip ko tuloy; "Ano kaya kung may maka salubong siyang snatcher?" (lol) "Siguro guguho ang masayang umaga nya." (wag naman sana) hahaha. .

Pero hindi yun ang gusto ko sabihin dito. . Medyo natuwa lang ako, kasi naisip ko, dumating din pala ako sa puntong ganun. . Nakakatawa pala. . Pero syempre, kung pinag daanan nyo rin yun, (sigurado ako na maraming sasang-ayon dito) Wala kayong pakialam sa mga nakaka kita, diba?

Bakit? Kanya kanyang trip lang yan. . "Buti ako may ka-teks, eh ikaw?"

Yan ang madalas na panabla ng mga taong tutok na tutok sa cellphone kate-text. . Onga naman. . Di naman ikaw ang naaabala eh. . Kaya hayaan nalang sila mag text ng mag text kahit oras ng trabaho, habang naglalakad, o nasa pampublikong sasakyan. . Dun sila masaya eh. . Sa ganung paraan, sumasaya sila. . Nangyayari din yan sa inuman, sa kainan, sa pag pupulong, etc. . Halos di na sila maka usap dahil text nga ng text. . Parang di nyo na rin sila kasama. . Kasi nga, text ng text. . Eh hi-tech na tayo ngayon. . Nakakapag internet na sa cellphone. . Edi mas lalong lumala. . Di lang text ang ginagawa nila. . Madalas, nag se-surf, nakikipag chat, tamang facebook, at yung iba di ko alam. . Kulang nalang, itali nila sa kamay nila yung mga cellphone nila. . Pero kung sabagay. . Mas mabuti na yun sa kanila. . Nagkakaroon ng iba pang benepisyo yung cellphone nila habang napapangiti sila nito. .

Sana, pangitiin rin (ulit) ako ng cellphone ko. . Sana di lang sya maging MP3 player sa gabi at alarm clock sa umaga para bulabugin ako sa pagtulog. . Sana may wifi din sya para ma update ko palagi ang mga "tweets" at "Status" ko . Sana, mataas ang pixels para picture picture din at lagi sanang may load. .

Pero ang totoo. . Kuntento na ako sa ginagamit ko. .
Hindi man nya ako napapangiti, nagagamit ko naman sya pang "communicate". .
(puro receive nga lang)
Wala man sa kanya yung mga "features" na nabanggit ko. .
Naaasahan ko naman sya kung kailangan ko malaman ang oras. .
At hindi sya nag rereklamo kahit ganun lang ang turing ko sakanya. .

Ang tao, natural lang na mawala, kasi may isip at paa yan. .
Eh ang cellphone mo? Kapag nawala. . KASALANAN MO YAN. .